SELEBRASYON NG BUWAN NG KABABAIHAN, IPINAGDIWANG SA BAYAN NG SAN MARCELINO
Humigit kumulang sa 300 kababaihan sa bayan ng San Marcelino ang lumahok sa Women’s Month celebration na ginanap sa Municipal Covered Court.
Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang motorcade na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino at dinaluhan ng women’s group mula sa ibat-ibang barangay, PNP, BFP at mga CSOs.Pumarada sila sa pangunahing lansangan sa bayan bago dumiretso sa inihandang programa ng Municipal Social Welfare & Development Office (MSWDO).Layunin ng pagtitipon na ipagdiwang ang tagumpay ng mga kababaihan habang kinikilala ang mga hamon na patuloy nilang kinakaharap sa pagkamit ng pagkakapantay-pantay o equality.
Dumalo sa programa ang ating butihing Ama ng Bayan, Hon. Mayor Elmer Soria at First Lady Ma’am Emie Teves-Soria, kasama si Hon. SBM. Apolinario Abelon, MSWDO Officer Sahra Soria, Office of the Senior Citizens Affair Head Fatima Ladringan at iba pa.
Tampok sa naturang programa ang Juana Zumba Competition kung saan may labing-tatlong (13) grupo ang naglaban-laban. Itinanghal na kampeon sa nasabing kompetisyon ang grupo mula sa Barangay San Isidro na nag-uwi ng 25,000.00, 1st place naman ang grupo mula sa Barangay Aglao na nag-uwi ng 20,000.00 at 2nd place ang Barangay Rabanes na nag-uwi ng 15,000.00. Dinagdagan ni Mayor Elmer ng tig-10,000.00 ang premyo ng mga nanalo.Tumanggap naman ng tig-6,000.00 bilang consolation prize ang ibang grupo na dinagdagan rin ni Mayor Elmer at Hon. SBM. Ly Aquino.
Bukod dito, nagkaroon rin ng poster making na nilahukan ng mga mag-aaral.Nagpaabot naman ng pagbati at mensahe si Mayor Elmer sa lahat ng kababaihan dito sa bayan ng San Marcelino.Nais ni Mayor Elmer na bigyang-pansin ang mga hamon at pagsubok na patuloy na hinaharap ng kababaihan, hindi lamang dito sa San Marcelino kundi ng buong mundo.Aniya, sa kabila ng mga pagsubok, patuloy nilang ipinamamalas ang kanilang kahusayan, talino, at determinasyon sa lahat ng kanilang ginagawa.Kinikilala din ng Alkalde ang mahalagang papel ng ating mga babaeng Marcelineans, na malaki ang ambag nila sa pag-unlad at pag-asenso ng ating komunidad. “Sila ang mga ilaw at lakas ng ating tahanan, paaralan, at pamayanan. Nararapat lamang na bigyang prayoridad ang kanilang kapakanan at karapatan.” Ani Mayor Elmer.
Samantala, kasabay ng selebrasyon ng Women’s Month, masayang ipinagdiwang ng ating Unang Ginang Emie Teves-Soria ang kanyang kaarawan kasama ang mga kababaihan.Nagpakain din ng Jollibee si Ma’am Emie sa mga lumahok sa zumba competition.Itinalaga ang buwan ng Marso bilang Buwan ng Kababaihan sa bisa ng Presidential Proclamation No. 224, s. 1988 habang ipina-uutos naman sa ilalim ng Republic Act No. 6949 ang paggunita sa “Araw ng Kababaihan” tuwing ika-8 ng Marso ng bawat taon.
S-incerity
O-ptimism
R-egularity
I-ntegrity
A-ccountability