Kinumpirma ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na magiging libre na ang Mammogram at Ultrasound services sa mga kababaihan simula sa Hulyo.
Ito ay matapos ianunsyo ni House Speaker Martin Romualdez tungkol sa state health insurance entity na magbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga pasyenteng nangangailangan nito.Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, isinasapinal na ng ahensya ang mga patakaran sa pagpapatupad kung paano makakakuha ng libreng mammogram at ultrasound ang mga miyembro.Aniya, layunin ng inisyatibang ito na tiyakin ang kaligtasan ng mga kababaihan mula sa breast cancer sa pamamagitan ng maagang deteksyon sa sintomas nito.Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng PhilHealth kung ang serbisyong laan sa kababaihan ay maaaring maialok ng libre rin sa mga pribadong ospital, ngunit tiniyak naman ng ahensya na magkakaroon ng diskwento kung sakaling magpapakonsulta sa pribadong ospital.
Batay sa datos ng PhilHealth, umaabot sa P600 ang halaga ng ultrasound at P2000 naman sa mammogram sa mga pampublikong ospital. Habang sa mga pribadong ospital naman, P5,000 ang halaga ng mammogram at P4,000 naman sa breast ultrasound.Samantala, nagpasalamat naman ang ‘Kasuso Foundation’ sa inisyatibang ipatutupad ng pamahalaan, binigyang-diin nila na malaking tulong ang libreng konsultasyon sa mga kababaihan na may iniindang sakit lalo na ang may mga abnormalities o bukol sa suso na maaaring humantong sa breast cancer.
S-incerity
O-ptimism
R-egularity
I-ntegrity
A-ccountability