SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, DILG SGLG AWARD NASUNGKIT NG BAYAN NG SAN MARCELINO
Ang SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE o SGLG ay isang natatangi at pinaka prestihiyosong parangal na ibinibigay ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa isang Local Government Unit na kung saan ay nakuha ng ating bayan sa kauna-unahang pagkakataon.
Ngayong Huwebes, ika-14 ng Disyembre 2023, personal na tinanggap ng ating butihing Ama ng Bayan, Hon. Mayor Elmer Soria, Hon. Vice Mayor Cristopher “Jimbo” Gongora at MLGOO Sheryl Ann Dungca ang naturang parangal. Ito ay ginanap sa The Manila Hotel, Ermita, Manila. Ito ay maaari lamang matanggap ng isang munisipalidad, city at provincial level kung ito ay nakapasa sa maraming aspeto o pamantayang itinakda ng DILG pangunahin ang maayos, transparent at malinis na record ng pag gastos sa pera o pondo ng ating bayan. Buong pwersa ding sumama sa awarding ceremony sina Hon. SBM. Darrel Labio, Hon. SBM. Nestor Ignacio, Hon. SBM. Ly Aquino, Hon. SBM. Eddie Domingo, Hon. SBM. Mario Cabbab, at SK Fed. President Jeanne Joseph S. De Dios.Lubos namang ipinagmamalaki at ikinatutuwa ni Mayor Elmer ang pagtanggap ng LGU San Marcelino sa nasabing parangal. Ang panibagong karangalan at tagumpay ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino ay bunga ng matatag na pamumuno ni Mayor Elmer katuwang ang Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Jimbo, mga department heads at kawani ng LGU, MLGOO Sheryl Ann Dungca, ibang ahensya, at mga barangay officials.Ang karangalan ito ay karangalan ng buong Marcelineans.
S-incerity
O-ptimism
R-egularity
I-ntegrity
A-ccountability