San Marcelino, Zambales

SAN MARCELINO GAD FOCAL POINT SYSTEM

GENDER AND DEVELOPMENT

PROVINCIAL GOVERNTMENT OF ZAMBALES

May 25 na benepisyaryo mula sa Barangay Nagbunga ang nagtapos sa Kabalikat sa Kabuhayan on Sustainable Agriculture Program (KSK SAP) ng SM Foundation Inc. (SMFI).

Ang mga ito ay sumailalim sa 14 na linggong pagsasanay kung saan tinuruan sila ng organikong paraan ng pagtatanim at pagsasaka, kaalaman sa pinakabagong teknolohiya sa agrikultura gayundin ang pagbebenta ng kanilang mga produkto. Ang KSK-SAP ay nagsimula noong taong 2007 sa hangarin ni SMFI Founder Henry “Tatang”Sy Sr na magkaroon ng sustainable program na makakatulong upang maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga magsasaka sa bansa. Bukod sa Department of Trade and Industry (DTI), Municipal Agriculture Office, at MSWDO na syang nangasiwa sa pagpili ng beneficiaries, naging katuwang ng SMFI sa naturang programa ang D’ Planners Training Center na syang nagkaloob ng kasanayan. Ang mga nagsipagtapos ay tumanggap ng National Certificate (NC) II sa Organic Agriculture Production mula sa TESDA na katibayan na sila ay certified TESDA passer at qualified sa mga trabaho na papasukan sa Pilipinas man o sa abroad.Highlight din ng nabanggit na programa ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga ito na makilahok sa SM Sunday Market upang maibenta ang kanilang mga aning produkto.

Nagpaabot ng pagbati sa mga graduates at pasasalamat sa LGU San Marcelino partikular sa Municipal Agriculture Office (MAO) si Mr. Ariel Ferrer – Mall Manager SM Olongapo Central sa suportang ipinagkaloob nito sa implementasyon ng nasabing programa. Lubos ang pasasalamat ng mga graduates sa karagdagang kaalaman na kanilang natutunan at sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanila ng SMFI.

Nangako ang naturang samahan na magtatanim ng de-kalidad na mga prutas at gulay kaalinsabay ng pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan at pangangalaga sa kalikasan. Nakiisa din sa nasabing okasyon sina Municipal Agriculturist Remin Sardo bilang representante ng ating butihing Ama ng Bayan, Hon. Mayor Elmer Soria, mga staff ng Municipal Agriculture Office gayundin si Engr. Bien C, Mateo – SM SVVP for Operations.Ito ay ilan lang sa mga programa ng mga pribadong sektor na palaging kaakibat ang Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino sa pamumuno ni Mayor Elmer upang lalo pang makakatulong sa mga magsasaka ng bayan ng San Marcelino.

S-incerity

O-ptimism

R-egularity

I-ntegrity

A-ccountability

#SerbisyongSORIA