Aabot sa 58 Persons with Disabilities mula sa bayan ng San Marcelino ang naging benepisyaryo ng KALAHI-CIDSS Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay – Cash-for-Work (KKB-CFW) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang mga nasabing benepisyaryo ay nabigyan ng pansamantalang trabaho sa loob ng 10 araw sa kanilang komunidad at binayaran ng P4,500 bawat isa. Sa isinagawang payout ngayong Martes, ika-27 ng Pebrero, sa patnubay ng ating butihing Ama ng Bayan, Hon. Mayor Elmer Soria, dinaluhan ito ng ating Hon. Vice Mayor Cristopher “Jimbo” Gongora kasama sina Hon. SBM. Apolinario Abelon, Hon. SBM. Darrel Labio, Hon. SBM. Ly Aquino, MSWDO Officer Ma’am Sahra Soria at MSWDO staff.
Ayon sa DSWD, kabilang sa kuwalipikado sa programa ang mga indigent o mahihirap na PWDs at PWDs na hindi na kayang magtrabaho. Sakaling hindi na kayang magtrabaho ng PWD, kukuha ng isa sa miyembro ng pamilya ang ahensya na kakatawan sa benepisyaryo nito.Makakaasa ang lahat na patuloy ang pagpasok ng mga biyaya at proyekto dito sa ating bayan na mapakikinabangan ng ating mamamayan sa tulong at suporta ng ating Mayor Elmer Soria.
S-incerity
O-ptimism
R-egularity
I-ntegrity
A-ccountability