3-DAY STRATEGIC PLANNING 2024 NG LGU SAN MARCELINO, GINANAP NOONG MARSO 6 – 8 , 2024
Nagtipon ang Technical Working Group (TWG) na mga kinatawan mula sa iba’t ibang departamento, secretariat at mga pinuno ng bawat opisina ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino para sa isang 3-day strategic planning workshop kaugnay sa pagribesa ng mga plano at GAD Planning at Budgeting ng LGU. Ito ay ginanap sa Caliraya Resort Club, Lumban, Laguna. Layunin ng strategic planning workshop na ito na makabuo ang lokal na pamahalaan ng mga programa, proyekto, at aktibidad para sa mga Marcelineans. Dumalo sa aktibidad ang ating butihing Ama ng Bayan, Hon. Mayor Elmer Soria, bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Hon. Vice Mayor Cristopher “Jimbo” Gongora. Ang Strategic Planning ay pinangasiwaan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa pangunguna ni EnP. Floralyn Ramat-Mendoza. Sa pagsisimula ng programa, ipinakilala ni Ginoong Ricky Micaller ang mga partisipante. Nagbigay rin ng pambungad si Mayor Elmer.