San Marcelino, Zambales

SAN MARCELINO GAD FOCAL POINT SYSTEM

GENDER AND DEVELOPMENT

PROVINCIAL GOVERNTMENT OF ZAMBALES

TINGNAN: Binigyan ng pagkilala at parangal ang mga natatanging Singkamas vendors at farmers sa ginanap na Gabi ng KAMASAng Marcelineans.

Kabilang sa Singkamas Awardees ang Sison Family. Sila ay isa sa may malaking ambag sa singkamas production at pagbebenta ng singkamas; Singkamas Vendors Association of San Marcelino; Sir Jimbarry Ordillas – Sa kanyang talento at paggawa ng Singkamas Festival Unity Dance, Singkamas Festival Unity Song, at Singkamas Folk dance; Cristina Prado – isa sa mga nagtitinda ng singkamas; Delia A. Gallas – Sa kanyang dedikasyon at sakripisyo sa pagtitinda ng singkamas sa kalsada para mapagtapos niya ang kanyang mga anak sa pag aaral; Isabelo Del Rosario – Pinakamatandang nagtatanim at nagtitinda ng singkamas; Yolanda Lanuza – kontribusyon sa kanyang paggawa ng Singkamas pie bilang pangunahing produkto ng San Marcelino sa One Town, One Products.Binigyan rin ng pagkilala ang mga Taxpayers sa bayan tulad ng Jollibee San Marcelino, Santa Cruz Solar Energy Inc., Raik Construction and Development Corporation, Agra Gas/Ramrod Supermarket Inc., La Paz Construction, at Everlasting General Merchandise.

Samantala, binigyan naman ng Medal of Excellence at certificate ang mga Marcelineans na nagbigay ng karangalan sa anumang larangan.

S-incerity

O-ptimism

R-egularity

I-ntegrity

A-ccountability

#SerbisyongSORIA