San Marcelino, Zambales

SAN MARCELINO GAD FOCAL POINT SYSTEM

GENDER AND DEVELOPMENT

PROVINCIAL GOVERNTMENT OF ZAMBALES

WORLD TB DAY, IDINAOS SA SAN MARCELINO

Idinaos ng Municipal Health Office (MHO), sa pangangasiwa nina Municipal Health Officer Dr. Giselle Paje-Ragadio at Nurse Claire Peña, ang World Tuberculosis Day sa Plazuela.

Layunin ng aktibidad na matulungan ang mga indibidwal na may tuberculosis (TB), mapigilan ang pagkalat ng sakit, at makamit ang isang TB-Free Generation.

Isinagawa ang aktibidad na may temang “Yes! Pilipinas can #EndTB,” kung saan nagkaroon ng Zumba at pinailawan ng kulay pula ang stage ng Plazuela alas-6 ng gabi.

Pinangunahan ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soriaang aktibidad kasama si Rural Health Physician Dr. Oscar Fabunan Jr., Provincial Health Office representative Brenda Dimain, mga kawani mula sa lokal na pamahalaan, DOH-HRH, mga barangay health worker (BHW), at San Marcelino Fitness Club.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng MHO na ang TB ay maiiwasan at magagamot kung maagap na masusuri.

Ang pakikiisa sa kamalayan at suporta sa kampanya ay mahalaga upang maisulong ang mas malusog na San Marcelino.