MSWDO, IDINAOS ANG WOMEN’S MONTH SYMPOSIUM
Nagdaos ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Women’s Month symposium ngayong Marso 23, 2026 sa Plazuela Multi-Purpose Hall, na dinaluhan ng mga opisyal at komunidad.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan sa usaping pangkasarian at pantay na karapatan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
Dinaluhan ang symposium ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, mga opisyal at kinatawan ng barangay, mga Civil Society Organizations (CSOs), at mga miyembro ng komunidad.
Pinangunahan ang programa ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, kasama sina MSWD Officer Sahra Soria, MPDC/GAD Focal Person EnP. Floralyn Ramat-Mendoza, MDRRMO Head Arsenio Edar Mauricio III, at San Marcelino Chief of Police PMAJ. Exodus Rodriguez.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor ERS ang kahalagahan ng pagbabago ng pananaw hinggil sa karapatan ng kababaihan at kung paano maaaring maging kaagapay ang kalalakihan sa pagpapatibay ng mga karapatang ito.
Ayon sa kanya, ang pag-unawa at paggalang sa kababaihan ay susi sa pagkakapantay-pantay at sa pagbuo ng isang mas maayos na lipunan.
