San Marcelino, Zambales

SAN MARCELINO GAD FOCAL POINT SYSTEM

GENDER AND DEVELOPMENT

PROVINCIAL GOVERNTMENT OF ZAMBALES

LGU SOCIAL PENSION PARA SA MGA SENIOR CITIZENS, IPINAMAHAGI

“Ang buwis ng mamamayan ay ibinabalik sa taumbayan. Ang bawat piso ng Social Pension ay hindi lamang tulong pinansyal, kundi simbolo ng malasakit at pagkilala sa ating Senior Citizens.”

— Mayor Elvis Ragadio Soria

Pinahahalagahan ng Pamahalaang Lokal ng San Marcelino, sa ilalim ng pamumuno ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, ang kapakanan ng mga senior citizens, sapagkat sila ay may mahalagang papel sa pamayanan at lipunan.

Bilang bahagi ng tinatawag na vulnerable sector, sinisiguro ng pamahalaang lokal na naiaabot sa kanila ang nararapat na serbisyo at benepisyo, gayundin ang patuloy na pagtitiyak ng kanilang kaligtasan sa lahat ng oras.

Ngayong araw, Abril 8, idinaos ang 1st quarter payout para sa ating mga lolo’t lola sa ilalim ng Social Pension Program ng LGU San Marcelino.

May kabuuang 45 benepisyaryo ang tumanggap ng halagang P3,000.00 bawat isa para sa mga buwan ng Enero hanggang Marso.

Ang naturang payout ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Officer Sahra Soria, katuwang ang Office of the Senior Citizen Affairs sa pamumuno ni Madam Fatima Ladringan, at ang San Marcelino Municipal Federation of Senior Citizens sa pangunguna ng kanilang presidente na si Mr. Edilberto Ladiero, sa pagpapatupad ng nasabing programa sa ating bayan.

Binigyang-diin ni Mayor ERS ang kahalagahan ng patuloy na suporta sa mga senior citizens at nangakong higit pang patitibayin ng LGU San Marcelino ang mga programang magtitiyak na ang ating mga lolo’t lola ay patuloy na makatatanggap ng kinakailangang serbisyo at tulong.