San Marcelino, Zambales

SAN MARCELINO GAD FOCAL POINT SYSTEM

GENDER AND DEVELOPMENT

PROVINCIAL GOVERNTMENT OF ZAMBALES

Nagsagawa ang Pamahalaang Lokal ng San Marcelino, sa pamumuno ni Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, ng poster making contest bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.

Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), sa pamumuno ni MSWD Officer Sahra Soria, ang naturang patimpalak.

Limang mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng San Marcelino ang nagpakita ng kanilang galing sa larangan ng pagguhit o poster making.

Kampeon sa patimpalak si Jayde Christensen Villanueva mula sa San Guillermo National High School. 1st Place:Claire Angelica Lerio

ng Holy Family Academy of Zambales. 2nd Place: Sheena Karylle Mae Paje ng San Marcelino National High School.

Ipinahayag ng pamahalaang bayan ang patuloy na suporta ni Mayor ERS sa pagdiriwang ng National Women’s Month, katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng LGU San Marcelino.