San Marcelino, Zambales

SAN MARCELINO GAD FOCAL POINT SYSTEM

GENDER AND DEVELOPMENT

PROVINCIAL GOVERNTMENT OF ZAMBALES

Bilang bahagi ng patuloy na suporta sa sektor ng agrikultura, sinimulan na ngayong araw, Mayo 12, ang pamamahagi ng farm inputs para sa wet cropping season sa bayan ng San Marcelino.

Sa ilalim ng pamumuno ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, patuloy na pinagtitibay ng pamahalaang lokal ng San Marcelino ang mga programang makatutulong sa pagpapalakas ng produksyon at kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

Ang naturang pamamahagi ay para sa mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at mula sa Department of Agriculture (DA).

Pinangangasiwaan ito ng Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Remin Sardo.

Kabilang sa mga ipinamahaging farm inputs ang hybrid rice seeds, foliar fertilizer, at soil ameliorant na makatutulong upang mapataas ang ani at mapabuti ang kalidad ng produksyon ng mga magsasaka ngayong wet cropping season.

Ayon sa pamahalaang lokal, mahalagang matulungan ang mga magsasaka lalo na sa panahon ng pagtatanim upang matiyak ang sapat na produksyon ng pagkain at mapanatili ang kabuhayan sa sektor ng agrikultura.

Nagpasalamat naman si Mayor Soria sa DA sa patuloy na pagbibigay ng suporta at mga programang pang-agrikultura para sa mga Marcelinean farmers.

Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga magsasaka na makiisa sa mga programang inilulunsad upang higit pang mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa bayan.