San Marcelino, Zambales

SAN MARCELINO GAD FOCAL POINT SYSTEM

GENDER AND DEVELOPMENT

PROVINCIAL GOVERNTMENT OF ZAMBALES

Sa San Marcelino, panatag ka dahil sa patuloy na malasakit ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Marcelinean.

Muling nagsagawa ang Municipal Health Office ng Pamahalaang Bayan ng San Marcelino ng Libreng Chest X-ray Program na ginanap sa Rural Health Unit II sa Barangay San Rafael.

Katuwang sa programang ito ang Department of Health (DOH), Rural Health Unit (RHU) sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Giselle Paje-Ragadio, kasama si TB DOTS Coordinator Nurse Clair Peña, Human Resources for Health (HRH) San Marcelino, at Alay Buhay Community Development Foundation, Inc.

Layunin ng programang ito na mailapit ang serbisyong medikal sa mga barangay at mabigyan ng agarang akses sa serbisyong pangkalusugan ang mas maraming mamamayan.

Bukod sa libreng chest X-ray, nagkaroon din ng libreng check-up sa pangunguna ni Dr. Giselle Paje-Ragadio, pamamahagi ng libreng gamot, at food packs mula kay Mayor ERS.

Patuloy na binibigyang-prayoridad ni Mayor ERS ang pangangalaga at pagprotekta sa kalusugan ng bawat mamamayang Marcelinean.