San Marcelino, Zambales

SAN MARCELINO GAD FOCAL POINT SYSTEM

GENDER AND DEVELOPMENT

PROVINCIAL GOVERNTMENT OF ZAMBALES

EDUCATIONAL ASSISTANCE NG LGU SAN MARCELINO, IPINAMAHAGI SA MAHIGIT 900 SENIOR HIGH SCHOOL

Sabay-sabay na tinanggap ng nasa 945 senior high school students ang kanilang educational assistance mula sa Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino ngayong Huwebes, ika-12 ng Pebrero 2026.

Tumanggap ang bawat isa ng tig-₱3,000 para sa taong panuruan 2025-2026. 491 dito ay mula sa Grade 11 at 454 naman ay mula sa Grade 12.

Ang naturang payout ay pinangunahan ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria kasama sina Hon. Vice Mayor Jimbo Ragadio Gongora, Hon. SBM. Alex Beltran – Chairperson, Committee on Education, MPDC/PESO Manager EnP. Floralyn Ramat-Mendoza at PB. Hon. Rex Ferido ng Barangay Rizal.

Sa pamamagitan ng programang ito ng LGU San Marcelino sa pamumuno ni Mayor ERS ay ibinabalik ang buwis ng taumbayan para matulungan ang ating mga estudyante na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Nagbigay ng mensahe sina Mayor ERS, Vice Mayor Jimbo at Konsehal Alex.

Masayang pagbati sa mga estudyante ang pambungad na mensahe ni Mayor ERS.

Sinabi ni Mayor ERS sa mga kabataang Marcelienans na mag-aral mabuti at bigyang importansya ang edukasyon.

Binigyang-diin din ni Mayor ERS ang kahalagahan ng wasto at responsableng paglalaan ng natanggap na tulong mula sa LGU upang matugunan ang kanilang mga gastusin sa eskwelahan.

Hinikayat din ni Mayor ERS ang mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang pagsusumikap na magtapos bilang tugon sa tiwalang ipinagkakaloob ng LGU San Marcelino sa pamamagitan ng mga programa sa sektor ng edukasyon.

Inanunsyo rin ni Mayor ERS na muling maglalaan ng pondo sa susunod na taon upang madadagdagan ng 1,000 ang educational assistance ng Senior High School, mula sa 3,000.00 ay magiging 4,000.00 na. Ito ay sa tulong at suporta ng buong Sangguniang Bayan Members.

Bilang panghuling mensahe, sinabi ni Mayor ERS na laging nakasuporta ang LGU San Marcelino sa Kabataang Marcelineans at sektor ng edukasyon sa munisipalidad.

Bukas, araw ng Biyernes, Pebrero 13, 2026 asahan naman na tatanggapin ng mga estudyanteng nasa kolehiyo ang kanilang educational assistance at Full Scholarship na gaganapin sa Barangay Rizal Covered Court.

Samantala, katuwang naman sa pamamahagi ang PESO staff, Municipal Treasurer’s Office, at Barangay PESO Coordinators.