San Marcelino, Zambales

SAN MARCELINO GAD FOCAL POINT SYSTEM

GENDER AND DEVELOPMENT

PROVINCIAL GOVERNTMENT OF ZAMBALES

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 247, serye ng 2002, sa buwan ng Setyembre ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Pananaliksik sa Patakarang Pangkaunlaran (Development Policy Research Month [DPRM]) upang itaguyod at palalimin ang kamalayan sa buong bansa tungkol sa kahalagahan ng pananaliksik sa pagbabalangkas ng mga pambansang plano, programa, at patakaran. Ang Surian ng Pilipinas para sa Araling Pangkaunlaran (PIDS) ayy pinangungunahan ang pagdiriwang ng DPRM, sa pakikiisa ng mga kaugnay na ahensya ng pamahalaan. Ang pagdiriwang ngayong taon, na may temang "Muling Pagpapakahulugan sa Pamamahala sa Panahon ng Artificial Intelligence (AI)," ay itatampok ang mga oportunidad at hamon na bunsod ng pag-gamit ng AI sa pagpapaigting ng pamamahala, pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo publiko, at pagpapalawig ng mga smart na polisiya.