San Marcelino, Zambales

SAN MARCELINO GAD FOCAL POINT SYSTEM

GENDER AND DEVELOPMENT

PROVINCIAL GOVERNTMENT OF ZAMBALES

Sa inisyatibo ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, patuloy na isinusulong ng pamahalaang lokal ng San Marcelino ang mas pinalawak na serbisyong pangkalusugan para sa mga kabataang Marcelineans sa pamamagitan ng Dental Health Program ng Municipal Health Office (MHO).

Pinangunahan nina Municipal Dentist Dr. Roselyn Ruba-Labio at Ms. Kirsten Soria ang pagbisita sa Barangay Buhawen upang maghatid ng iba’t ibang serbisyong dental para sa mga kabataan.

Kabilang sa mga isinagawang serbisyo ang oral examination, oral health awareness and promotion, proper toothbrushing demonstration, fluoride varnish application, at pamamahagi ng dental kits.

Naging posible ang programang ito sa pagtutulungan ng pamahalaang lokal sa pangunguna ni Mayor ERS, katuwang ang MHO at mga Barangay Health Workers, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng wastong kalusugan at pangangalaga sa ngipin ng mga kabataan.