ANTI-RABIES VACCINATION: Kasabay ng paggunita ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso, patuloy na nagsasagawa ang Municipal Agriculture Office (MAO), sa direktiba ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria ng Anti-Rabies Vaccination sa iba’t ibang barangay ng San Marcelino.
Nasa mahigit 100 na mga alagang aso’t pusa ang nabakunahan sa Barangay Barangay San Rafael. Katuwang ng MAO ang Bounty Cares Foundation.
Maigting ang kampanya ni Mayor ERS pagdating sa laban kontra rabies. Sa katunayan, regular ang pagsasagawa ng MAO sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Remin Sardo ng libreng bakuna sa mga alagang aso at pusa maging ang information dissemination para sa responsible pethood.
