San Marcelino, Zambales

SAN MARCELINO GAD FOCAL POINT SYSTEM

GENDER AND DEVELOPMENT

PROVINCIAL GOVERNTMENT OF ZAMBALES

Sa unang araw ng selebrasyon ng Singkamas Festival ay iba’t ibang produkto mula sa sektor ng agrikultura ang bida sa Agri Trade Fair cum Kadiwa ng Pangulo sa pangangasiwa ng ating Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Remin Sardo. Tampok dito ang mga sariwa at processed na mga produktong agrikultura gaya ng gulay, prutas, root crops, fruit preserves, native snacks, at iba pang lokal na produkto. Ang Agri Trade Fair ay nilahukan ng 33 na mga exhibitor. Layunin ng aktibidad ito na ipakita at ipakilala ang iba't-ibang produktong pang agrikulultura sa pamamagitan po ng pagsasama ng ating mga magsasaka at mga negosyante upang mapalago pa ang sektor ng agrikultura sa ating bayan gayundin ang mga small ang meduim enterprises (SMEs). Bukod dito, may ibenenta ring murang bigas na talaga namang pinilahan ng mga single parents, senior citizens at mga PWDs. Gayundin ang mga damit, souvenirs at iba pa. Sa gabay ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, dinaluhan ito ng mga konsehal ng bayan sa pangunguna ni Hon. SBM. Jose Gutierrez - Committee on Agriculture, Hon. SBM. Louella Aquino - Committee on Trade & Industry and Tourism. Naroon rin si Ms. Kath Untalan Dizon bilang representante ni Provincial Director Enrique Tacbad ng DTI Zambales, bilang ipakita ang suporta sa bawat magsasaka sa ating bayan. Katuwang ng Municipal Agriculture Office sa isinagawang Kadiwa ng Pangulo at Agri-Trade Fair ang Department of Agriculture, Provincial Agriculture Office, DTI at Negosyo Center. Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor ERS sa lahat ng nakiisa sa ating Agri-Trade Fair lalong lalo na ang ating mga exhibitors, katuwang na ahensya at sa lahat ng mga dumalo upang maging matagumpay ang ating Agri-Trade Fair 2026.

February 17, 2026