Sumailalim sa orientation at contract signing ang 62 mag-aaral sa senior high school (SHS) mula sa San Marcelino bilang bahagi ng unang batch ng Special Program for the Employment of Students (SPES) na isinagawa nitong Huwebes, Abril 16.
Pinangasiwaan nina Public Employment Service Office (PESO) Manager at Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) EnP. Floralyn Ramat Mendoza at SPES Coordinator Norman Ragadio ang aktibidad, sa suporta ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria.
Ayon kay Mayor Soria, prayoridad ng pamahalaang bayan ang pagsuporta sa pag-aaral ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga programang tulad ng SPES.
Ang SPES ay programang hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang LGU San Marcelino.
Magtatrabaho ang mga benepisyaryo sa loob ng 20 araw, kung saan 60 porsyento ng kanilang sahod ay magmumula sa lokal na pamahalaan, at 40 porsyento naman ay mula sa DOLE.
Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor ERS sa DOLE sa patuloy nitong pagpapatupad ng mga programang nakatutulong sa mga mag-aaral sa bayan.
